Jose Rizal. Andres Bonifacio. Emilio Aguinaldo. Ninoy Aguino. Ito ang mga bayani na pinaparangalan natin taon taon. Dahil isinugal nila ang kanilang buhay para sa bayan at para sa mga Pilipino. Pero naisip ko minsan, kailangan bang mamamatay ka para ikaw ay matawag na bayani?
Tingin ko naman, hinde. Buti na lang, sa edisyon na ito ng The Blog Rounds, naisipan ni Dok Gigi sa Beyond Borders: The Lei Si Chronicles na bigyang pugay ang mga bayani sa ating buhay na di madalas mabigyan ng pansin.
Aking naisipan na bigyan pugay ang mga bayani na aking nakilala sa 2 taon kong pamamalagi sa barrio:
- Magsasaka. Hindi ko maisip minsan kung paano nila nagagawang yumuko para magtanim, buong araw, umulan or umaraw. Sa isang bansa na ang bigas ay malaking bahagi ng hapag-kainan, dapat mas bigyan natin ng pagpapahalaga ang mga nagtatanim ng ating kinakain.
- Barangay Health Worker. Hindi ko minsan mapaniwalaan na may mga tao pa na talagang likas sa kanilang puso ang pagboboluntaryo. Saan ka pa makakita ng tao na maglalakad ng ilang milya para magpurga ng bata, magbuhat ng gamot at kumalinga sa mga may sakit at makakatanggap lamang ng 200 piso bawat buwan?
- Magulang. Bawat magulang sa barrio (at kahit saan man sa Pilipinas) ay may isang pangarap sa kanilang anak: matapos ang mga ito sa pag-aaral. Kaya kahit na hindi sila kumain, magka-ulcer sa pagtatrabaho, hindi iniinda ang gutom, ok lang, basta lang may baon ang kanilang mga anak na nasa kolehiyo sa siyudad.
- Mga kabataan na naglalakad ng mga 5 hanggang 10 kilometro para lamang makapag-aral. Hindi iniinda ang sikat ng araw at sakit ng kanilang paa dahil gusto nilang matuto.
- OFW. Walang Filipino na walang kamag-anak na OFW. Wala ng hihigit pa sa pagsasakripisyo nila, pagharap sa kalungkutan at diskriminasyon sa ibang bansa, para lamang mabigyan ng magandang bukas ang pamilya na iniwan sa Pilipinas.
Sa bawat beses na nakakasalamuha ko ang mga taong nabanggit, nasasagot ang aking tanong. Di kailangang mamamatay para matawag na bayani. Sa katunayan, di kailanga isugal ang buhay para matawag na bayani.
Ang mga taong walang sawang iniaalay ang kanilang buhay, oras at panahon para sa ibang tao, un ang mga totoong bayani. Lalo na kung ang mga bayaning ito, di nila alam na kahanga-hanga sila. Ginagawa lamang nila ang mga ito dahil sa kanilang isipan, ito ang tama at ito ang dapat.Saludo ako sa bawat taong aking nabanggit.
~~~~~Ito ay kontribusyon sa The Blog Rounds na tungkol sa mga Bayani na tinatalakay sa Beyond Border: The Lei Si Chronicles.
16 comments:
. Doktor sa mga baryo. bayani kayong maitutuiring dahil mas pinili nyong paglingkuran ang mga mahihirap sa baryo kapalit ng kakarampot na sahod ng gobyerno. walang kapalit ang inyong mga sakripisyo. kudos doc che at sa iba mo pang kasama. rakenrol :-D
Doc Cherry, would have to agree with the comment above. Doctors to the barrios deserve special mention when it comes to being heroes. That you willingly serve the underprivileged,the underserved, and the least of our brothers, with little thought to compensation, is truly amazing.
Mabuhay ka, Doc Cherry!
Linapuhan thanks.
KittyMama, thanks too. Will link you up soon :) when I get a faster connection.
Mabuhay kayo!
dr. che, naranasan ko nang magserbisyo sa barrio, kahit sandali lang. mahirap. saludo talaga ako sa mga dttb. hindi kasi madaling talikuran ang mga nakasanayan nang munting karangyaan.
salamat sa pagtanggap sa aking paanyayang sumali sa TBR-16. da best!
Ikaw, Doc Che, at ang kakaunti pang ibang mga Doctor to d baryos, ang mga bayani ng ating bansa. Mabuhay kayo!
I will not be shocked though, if one day you will announce that you have chosen to become otherwise. Even heroes, live ones especially, have to eat, too.
Dok Gi, salamat. Pero marami po dito sa barrio na mas karapat-dapat tawagin na bayani. ;)
Doc Ness, totoo yan. Iilang buwan na lang at iiwanan ko na ang pagsisilbi sa barrio. Sabi mo nga, kailangan ko din kumain at ng aking future family. Pero sabi nga nila, once a DTTB, always a DTTB. It will always be in my heart.
Even in our not-so-rural barrio, there are many people who deserve the title of heroes because of the things they do for their neighbors without expecting anything in return. It's this truly Filipino community spirit that I really hope would survive in this era of high-rise condos and impersonal subdivisions.
Thank you Doc Cherry for this tribute to our community heroes, as well as for the info about DTTB. ;-) God bless!
tila'y ... everyone is getting the linggo ng wika bug. galing lang kasi ako kay megamom. hehehe. i must agree na ikaw ay isang bayani. si doc gi din pala naging tulad mo.hanggang ngayon, pinagisipan ko pa rin na tumuloy na. pero oh no i'm still tied to a live contract.
Ligaya, you are welcome.
Meloinks, as I tell others, when in doubt, don't do it. :) It's not for everybody. But it would be nice if we will have you amongst us in the future.
Doc Che, bayani ka rin, kagaya nila.
At oo kelangan mo ding kumain (o mag asawa at mag kapamilya ng sarili mo) pero wag mo iwan ang pagiging bayani sa kapwa. Kayo ay mga modelo ng ating profession...
Linggo na nga ng wika...tama ba doc mel?
Sana meron di sa mga bayaning duktor!
Ako merong ideya para sa mg duktor blagger (WT?). Paki tingnan nalang po ang inyong mga email galing sa TBR.
Maraming Salamat
You should include teachers as well. ~wink~
Doc Bone, yeah, what the? Hahaha. I will try to remember your words of wisdom. Di ko naman siya iiwan. Pupunta lang ako sa ibang antas ng pagsisilbi. Naks ang lalim nun.
Ling Xiaoyu, oo nga. Pagkabasa ko ng artikulo ng ibang blogger, naisip ko, nakalimutan ko nga mga guro. Buti na lang, pinagpugay sila sa ibang blogs. :)
There's a hero in each one, I guess... In one way or another we serve each other. Kudos to all DTTB!
True J.A. Thanks.
Idagdag mo dapat sarili mo sa listahan ng mga bayani.
Mabuhay ang mga DTTB! Sana lamang ay ma-sustain ang interes ng mga kabataang manggagamot na lumugar sa mga barrio. But that's a discussion for another day.
Catching up on posts, MegaMom
"Sana lamang ay ma-sustain ang interes ng mga kabataang manggagamot na lumugar sa mga barrio. But that's a discussion for another day."
True MegaMom. Ang isang araw ay di sapat para pag-usapan kung saan nagkukulang ang DTTB Program sa pag-sustain ng mga doktor sa barrio ;((
Post a Comment