Nagkaroon kami ng meeting sa Local Health Board noong nakaraang buwan. Sabi ni Mayor, "Doktor, umattend ka ng meeting ng Liga sa June 10. Doon mo sabihin ang mga plano mo sa Health."
"Sige po Sir." Pero ang nasa isip ko, liga?!? Ng basketbol? Bahket? Anong gagawin ko dun?
Dumating ang June 10, kinausap ako ng Presidente ng Liga, si Kapitan B. Ah, Liga ng mga Kapitan pala. Un ang tawag. Minsan, di ko mawari pano ako nagtagal sa barriong 'to na di man lang nalalaman ang mga ganito kasimpleng bagay sa pulitika.
~~~~~~
Ika-110 taon ng ating Kalayaan ngayon. Dati rati, wala man lang akong pakialam kung June 12, kasi ang nasa isip ko lang, duty ba ako, pre-duty or post duty.
Ito ang isa sa mga magandang bagay na natutunan ko sa barrio. Gaano kahalaga ang umattend ng Flag Ceremony sa Lunes ng umaga (at tumayo sa harap katabi si Mayor), sabihin ang Panunumpa sa Watawat ng taos sa puso (ung tipong proud ka talaga to be a Filipino) at magkaroon ng kaalaman sa mga nangyayari sa labas ng ospital. (Philippine Flag photo courtesy of Kabayan Junction)
~~~~~~
Anu-ano ba ang mga bagay na nagpapasalamat ako at ako ay isang Filipino? Basahin andg 101 na dahilan dito. Kahit na minsan, parang walang maganda sa balita, di ko pa rin mawari na iiwan ko ang Pilipinas. Nararamdaman ko na aalis ako, para mag-aral at matuto ng ibang kultura. Pero sigurado din ako na babalik at babalik din ako.
~~~~~~
Pag tinatanong ng mga tao bakit di nako magpapatuloy na magtrabaho sa barrio pagkatapos ng kontrata ko, minsan ang hirap ipaliwanag. Pero ang isa sa mga dahilan na sinasabi ko, miss ko na ang siyudad. Miss ko na ang Jollibee, 7-11 na bukas ng 24 oras. Pag gusto ko ng ice cream ng ala-una ng umaga, may bibilhan. Sa barrio kasi, wala niyan.
Noong martes, mukhang pinapaalala sakin kung ano naman ang pangit sa siyudad.
Sumakay ako ng FX sa vito cruz, para maiba naman. Pagsakay nagbayad ako, kasabay ng ibang pasahero. May isang babae, bababa ng Espana, bente and binigay. Sinuklian ni Mamang Driver ng 5 piso.Pasahero: Magkano ba dun?
Nakalimutan ko palang sabihin na katabi ako ng driver. Buti na lang, malapit na Pedro Gil, malapit nako bumaba.
Driver: O heto. Sabay bigay ng barya.
Pasahero: Magkano ba dun? Kinse? O heto ang 3 piso mo, baka ikalugi mo pa.
Driver: Ano, anong sabi mo? Kaya kita binigyan ng 3 piso, kasi nagrereklamo ka. Discounted na nga ung dose. Di ako malulugi no? Mayaman ako! P*&^%$$##@ mo! Kung magsalita ka kala mo sino ka!?!
Hay bakit ko ba nasabisabing namimiss ko ang siyudad?
Thursday, June 12, 2008
Kwentong Barbero, este, Doktor sa Barrio
Labels:
Barrio-tic Experience,
Philippines,
Siyudad Naman
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Happy Independence Day, Doc Che! Sa dinadami-daming pinasyalan kong blog, parang dito lang ako nakakita ng banggit tungkol sa Araw ng Kalayaan...
Kahit ako, nakalimutan ko, dahil inurong ng Ika-9 ang pagdiriwang, eh natulog lang naman ako. Saka ko lang naala-ala noong na-trapik ako noong huwebes dahil may mga parada. Teka, di pala parada ng Kalayaan yon. Libing pala ni Daboy.
Kakalungkot, ano?
Hi MegaMom, yup kakalungkot. :( Pero medyo natawa ako sa Daboy hirit ha.
medyo late na yata etong akin. hehe, tanong ko lang doc kung may exercise din after flag ceremony? :-D
Hi Lipapuhan. Uh, wala eh. That was supposed to be my job, organize the healthy lifestyle exercise, but on a monday! I wanna look good for the patients naman. :) Hehe. Thanks for dropping by.
Post a Comment