Thursday, October 23, 2008

Payong Pag-Ibig ni Bob Ong

Hindi ko nakahiligan ang mag-forward ng e-mails, chain letters at gawin ung mga tags sa blog ko. Pero sa araw nito, di ko natiis na di magre-post. Gian in his YM today, have this status message: Ang pag-ibig parang imburnal, nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it's either by accident of talagang tanga ka.

It caught my attention that I asked if I could re-post/re-use it. He said ok and that it came from Bob Ong. Oh yeah, why didn't I figure that out? One of my favorite Filipino authors, not only because he came from UP but, because he is really funny. He wrote Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Filipino and ABNKKBSNPLAKO, among others.

I learned from The Personal Blog of David Gonzales that Bob Ong created the blog Bobongpinoy.com but later deleted it, maybe, to give way to his books.

Anyway, I am reposting one of his creations which made me laugh today. Sana, maka-relate kayo.

LOVE QUOTES ni Bob Ong

"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

"Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

"Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

"Ang pag-ibig parang imburnal, nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka."

As usual, napatawa na naman ako ni Bob Ong. Thanks Gian! Paborito ko ung pang-4. Kayo?

~~~

Larawan galing dito.

4 comments:

ness said...

nakakaaliw, nakakabaliw!
thanks for sharing, che :-)

Anonymous said...

haha. doc. ayus na ayus to ah. eto ang matindi:

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

naintriga talaga ako kay bob ong, akala ko dati siya ay si Eros Atalia...kilala mo ba siya sa personal doc? pinilahan ko lahat ng mga libro nya sa library pero medyo wala nga lang siyang gaanong napala sa akin kasi mahilig akong manghiram. hehe. peace tayo bob ong, hindi ko naman pinaphotocoy yung mga libro mo eh. :-D

MerryCherry said...

Doc Ness, mas matatatawa ka sa mga books niya. Hehe.

Linapuhan, no, di ko siya kilala pero fan talaga ako. I know, favorite ko din yan. Hahaha.

Anonymous said...

Kinopya ko po yung part na "love quotes ni Bob Ong".. Nag-search kasi ako nang exact lines kasi gusto ko lang irepost sa blog ko... Narinig ko kasi kanina, sana ok lang po. Salamat! Natuwa kasi ako kay Nicole at Cris sa tambalan.